Kinikilalang “Ama ng Libreng Kolehiyo”, si Senator Bam Aquino ang naging pangunahing sponsor ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act—ang batas na nagbigay ng libreng pampublikong kolehiyo sa milyun-milyong kabataang Pilipino.

Bata pa lang, lumalaban na para sa demokrasya

Mula edad 6 hanggang 9, nakibahagi na si “Bam-Bam” sa mga rally at protesta laban sa pang-aabuso at karahasan ng diktaduryang Marcos. Maaga pa lang, nakita niya kung paano nagkakaisa ang mga Pilipino para ipaglaban ang katarungan at demokrasya.

Bago pumasok sa pulitika

Bago maging senador, si Bam Aquino ay isang youth leader, TV host, at social entrepreneur.

  • Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University bilang Class Valedictorian at Summa Cum Laude, kasabay ng pagiging Student Council President.

  • Naging host din siya ng mga programang Breakfast at YSpeak sa Kapamilya Network.

Puso para sa maliliit na negosyo

Kasama ng kanyang kaibigan, itinatag niya ang Hapinoy Program upang tulungan ang mga Nanay na palaguin ang kanilang sari-sari store business. Napatunayan niya na kayang umasenso ng mga Pilipino basta’t may sapat na training at suporta.

Ito ang naging inspirasyon sa kanyang pagtakbo bilang senador noong 2013. Ang unang batas na kanyang ipinasa—ang Go Negosyo Act—ay nagresulta sa libu-libong Negosyo Centers sa buong bansa na nagbibigay ng libreng business counseling, training, access to capital, market-linkage, at iba pang serbisyo para umasenso ang maliliit na negosyo.

Pagpapatuloy ng laban

  • Noong 2022, siya ang campaign manager ng makasaysayang presidential campaign ni dating Vice President Leni Robredo.

  • Noong 2023, kinilala siya bilang isa sa mga World Fellows ng Yale University.

  • Sa kasalukuyan, siya ang Chairperson ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) at ng Kaya Natin Movement for Good Governance.

Para sa pamilya, para sa bawat Pilipino

Para kay Senator Bam, inspirasyon ang kanyang asawa na si Timi at ang kanilang dalawang anak na sina Rory at Coco. Ang pagnanais niyang maitaguyod ang magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya ay siya ring nagtutulak na ipaglaban ang mas maayos na buhay para sa lahat ng pamilyang Pilipino.

Sa kanyang pag-iikot at pakikinig sa taumbayan, malinaw ang panawagan:

  • Libreng Kolehiyo

  • Siguradong Trabaho

Source: Senator Bam Aquino’s website, https://www.bamaquino.com